lumabas ako ng cavs, naupo sa may bench nang mag-isa lang. huminga ng malalim. umiyak ng onte. tumingin sa puno at tinawag ang mga kaibigan kong ibong kulay fuchsia. pero hindi nila ako pinansin. dalawa lang kasi sila. yung iba naglalaro sa langit. pero nagtaka ako noh. kasi ba naman magkatalikuran sila. hindi nag-uusap, parehong may malalim na iniisip. napabuntong hininga ako. whew. LQ ng mga ibon. meyameya, lumipad papunta sa akin yung babaing ibon.
sabe, "hindi ko siya kayang tingnan sa mata. baka mabasa niya ang gusto kong sabihin.
tanong ko, "ano bang gusto mong sabihin?"
napayuko si babaeng ibong fuchsia. namula ang pisngi. huh?
sabe,"a-ano...w-wala n-naman."
sabi ko, "PLASTIK. plastik ka. alam ko na yan. may sakit ka sa puso ano?"
nangiti sha. pero biglang lumungkot ulet yung mukha nea.
sabe,"pero kebigan ko sha eh. hindi ko kaya. ayaw ko masaktan. mamamatay akong hindi niya malalaman."
sabi ko, "PLASTIK. plastik ka. alam ko na yan. may sakit ka sa puso ano?"
hindi ito typo.
sabe ni ibong fuchsia,"pagka tinitingnan nea ako, umiiwas ako ng tingin. ayokong makita niya ang sarili niya sa mga mata ko."
sabi ko, "edi bigyan mo ng salamin."
sinubok ko talagang mag-joke.
mahirap isingit.
tapos, nakita kong nagdurugo na ang mata ni babaeng ibong fuchsia. umiiyak sha ng dugo! tumumba sa kanan. may sakit nga sha sa puso, kung alam ko lang.
ending: kami na ni lalaking ibong fuchsia ang nagkatuluyan.