wapak!
theo orals on friday, isang malupit na panggising mula sa mundo ng katamaran.
dahil tinamad ako kaninang umaga:
*pinakahuli akong bumangon sa apat na magkakapatid
*pinakahuli tuloy akong nakakain
*at pinakahuli akong pumasok sa banyo [mga 6:45 na nun, 30 minutes ang byahe pag di traffic, inaabot ng isang oras pagka umulan nang sinundang gabi, at so far, 20 minutes ang naitalang pinakamabilis kong ligo--feeling ko pa madumi pa rin ako]
*hindi ko tinapos ang calculus homework ko dahil sa lamda na yan. pinagugulo nea ang buhay ko. paanong nangyaring dalawa ang values ng lamda? anu yun, lokohan? [shempre di mo ako naintindihan]
*late ako ng 15 minutes
*kaya nag-cut na lang ako ng calculus, baka matawag pa ako para magsolve sa board. eh pechay ngang sinabe yang lamda na yan
*nag-friendster na lang ako sa CAVS/RSF (computer lab).
*theo orals na sa friday, wala pa akong nagagawang outline [pede na ba iyon?]
question of the day:
rewarding ba ang pagpapagupit ng buhok at pag-aahit?
answer of the day:
well, kung babae ka, hindi mashado. wala kang magagawang pagbabago sa lipunan kapag nagpagupit ka o kahit pa mag-ahit ka [ng kilay?]
kung lalaki ka naman, rewarding yan kung dahil sa pagpapagupit at pag-aahit mo eh lalo kang naging favorite ng calculus professor mo.yung tipong mukhang halamang kulot ang dahon ang buhok mo--sabog talaga--kunsaan-saang direksyon tumutungo at may balbas ka pa na sa wari ng iba'y nagbabadyang bigla ka na lang kakain ng damo sa SEC or BELL Field at nagsusupply ka ng sariwang gatas para sa mga prediv at jesuit priests. ito ang mga tipong rewarding. yung parang nagpa-make over. yung parang inalog mo ang mundo ng teacher mo at ng mga kaklase mo. yung tipong bibitiw na sila sa ulirat nila...yung tipong mapapansin ka ng lahat.
aba, aba, aba,
nasagut ku ba?