marami na sana akong naisulat dito nang mga nakaraang araw pero laging naaantala ng mga hindi inaasahang pangyayari. ilan na lang sa mga ito ang hindi inaasahang pagsulpot ni paul sa bahay namin sa tuwing may ulam na masarap. o ang pagyayaya niyang pumunta kay ate candy kapag wala naman akong ginagawa. minsan naman soooobrang init keya ayaw kong lumabas. minsan naman umuulan.
naiinis talaga ako sa mga taong hindi nagrereply kapag tinext, in-e mail, ni-message sa friendster atbp. lalu na kung mahalaga pa naman ang tinatanong ko kagaya ng kung naipasa na ba sa eco department ang grades ko. ang sobrang malabo at hindi ko pa maintindihan, kitang-kita naman sa friendster kung kelang huling nag-log in ang mga tao. ow-----kay (paul's version). so ayaw lang talagang pansinin. sumabog ka ha! alam mo kung sino ka!
himala na yata ng Diyos pero hindi talaga ako nalungkot netong bakashon. kahit gusto ko nang pumasok dahil sa kawalan ng ginagawa, mas masarap paring magtulog.
nung isang araw, sabi ng mama ko, "O, mga anak, gulay muna tayo ha para maging red ang dugo nyo."
aah, mama, green ba ang dugo ko ngayon para sabihin mo yan? insekto ba talaga ako sa katawang-tao?
so, ang nasabi ko lang, "Ma, di naman po kami kambing ah."
"Hoy, sosyal kang kambing ka, repolyo kain moh, hindi pechay."
aah, may point naman sha dun.
so, para hindi na sumama ang loob ko sa mga pangyayari, ako nalang ang nagluto ng tuna con repolyo or better yet, repolyo con tuna (dahil parang grassy area ang kaldero nang niluluto ko). masarap naman kasi ako ang nagluto. naka-tatlong ulit nga ako in all.
nakakapagpatulog na nga pala ako ng mga sanggol at naigagala ko na sila nang hindi sila sinasaktan. si bunny, hinihilo ko. ayon tulog agad. si daks, ayaw ko sa kanya dahil tinutuluan niya ako ng laway. si pedenden ang paborito ko sa lahat ng pinsan ko dahil bilog, mabigat, maputi, mabilis ang development (dahil wala pa shang isang taon, kinakausap na niya ko ng "ati, dedeeeeee. ati, mamaaaaaaam. ati, pechaaaaaaay."), at higit sa lahat mahaba ang pilikmatang sobrang tuwid. kahit lalaki si pedenden, nagmumukha talaga shang babae pagka ni-pig tails. mukha rin siyang baboy. dahil ba yun sa pig tails? ang wirdo ng mga palayaw ng mga pinsan ko noh?
si bunny, ibano, ibarro, ibrahim, iban, baneno ay iisa lamang. ang tunay niyang pangalan ay john lennard. ow-----kay, napakalapit ng mga palayaw sa pangalan. anak siya ng tito kong sa tuwing nanonood ng jewel in the palace eh bumibili muna ng chocnut.
si daks, darakikoy, dakki, dakuykoy, ay iisang tao lang din. Oh man! nakalimutan ko yung tunay nyang pangalan. ninang pa naman niya ko.
si pedenden. pheids, denden ay iisang tao lang. ang tunay na pangalan ng mokong ay phraeden. oo komplikado nga eh. ninang din ako netoh at paborito ko siya. siya lang ang batang hindi ko pinagtangkaan ng masama. hindi ko inisip na kagatin, kurutin o paiyakin man lang. nung isang araw, kinagat niya ang ilong ko habang natutulog ako. may nagtanong sa akin kun ginantihan ko raw ba. uhm, HINDI eh. tas nagulantang siya. wala raw sa nature ko yun. ow----kay. ayusin mo ang buhay mo iha kung ayaw mong ikaw ang kagatin ko.
ang pinakamasakit sa bangs ay yung batang sa tuwing nakikita ako eh nanghihingi ng piso kahit di naman kami close. christian pala ang pangalan niya ha. binigyan ko nga ng cracklings. oh, lam ko na iniisip mo noh! hoy, walang lupa yun o lumot noh. at hindi rin lason yun!