
1.23.2006
-- abnormal childhood --
hay.. naaalala ko pa ang nagdaang kabataan ko.. napakasaya. nakakaaliw. walang problema. magaan parang hangin.
aku pa ang lider ng grupo namen nun. grupo maldita. natural puro babae ang kasama. at mga maldita--pero mabait. may mga away na nangyare sa pagitan ng grupo namen at ibang malditang masama sa dulo nung street namen. kanya-kanya kami ng naka-tokang kaaway. sa akin lagi natatapat yung tomboy na mga limang taon ang tanda sa akin. isipin mo na lang kung gaano kalaki ang agwat namin, hindi lang sa edad. eherm. kelangan pa bang i-elaborate? minsan naman natapat sa akin yung baklang ang pangalan ay choco na sumali pa sa miss gay netohng summer lang. natawa nga ako eh. sabi ko sa katabi ku nun. "ui, yan yung baklang sinugatan ko yung mukha dati. muntik na ngang makalbo eh." sabay tawa parang bruha. mwahahahaha. minsan naman yung maarteng maputi ang balat pero mukhang alambre yung buhok. nakalimutan ko na nga yung pangalan niya eh. minsan naman yung mga malulusog na kasamahan nila. dalawa ata yun, pinagsabay kong awayin. talagang bumabaon sa mga taba nila yung kuko ko. hanep ang feeling. parang dumakot ka lang ng mamon.
dati may hinulog pa ako sa canal. at nahulog din ako sa canal. kaya nahulog yung dala-dala kong goldfish. kung di ba naman eng-eng.eh mukhang mas gusto niya dun sa kadiliman. aba'y di na nagpakita pa saken. whatever to you!
hay..naaalala ko pa yung mga araw na nag-chi-chinese garter kami at piko. pag lampas ulo na yung garter, nag-tu-tumbling na ako. whatever to me! hindi ko na kasi kaya yun ngayon eh. ambigat na ng katawan ko. huhuhu. tas pag sa piko, nag-aaway pa kami ng mga kalaro ko. dahil nandadaya ako. mwahahaha.
dati makalaro lang ako, tumatakas pa ako sa bahay namin. dapat kasi 6 pm pa lang tulog na ako. ni hindi nga ako pinalalampas sa kanto ng nanay ko. pero ganun eh. habang kumakain sila [magulang ko], kunyare papanik na ako sa taas ng bahay para matulog pero lalabas ako. at hindi naman nila napapansin dahil may sa pusa ako noh. mwahahaha.
naaalala ko pa tuloy yung kalaro kong pinakain ko ng lupa. tips toh: naghukay ako ng lupang may lumot. ibinalot ko pa sa seh-loh-payhne [yung pambalot ng yema at sampalok]..tas ipinakain ko sa kaniya. nung ayaw niya, edi tinakot ko. remember, i am the authority? sabi ko bawal pumunta sa birthday party ang mga hindi sumusunod sa utos ng kumander. mwahahaha. kinain naman niya at ng kapatid niyang kumakain na talaga ng bato. pero sa kasamaang palad hindi siya nakapunta sa party ko. hindi ko nga alam kung bakit eh. siguro sumakit ang tiyan. i wonder why. mwahahaha.
dati, ikinulong ako ng nanay ko sa bahay namin. sinabi ko na ngang hindi ako pinapayagang pumunta sa kabilang street o kahit sa kanto. prep nga pala aku nun. tapos may nagsumbong na nanay ng kaklase ko. pechay talaga. nahuli tuloy ako ni mama na nakikipaglaro sa kaklase kong lalaki sa kabilang street. hindi sa landutay na talaga ako bata pa lang. pero dumating sa point na mas gusto kong kalaro ang mga lalaki kaysa sa mga babae. kasi pag lalaki ang kalaro moh, hindi ka dadayain sa piko. hindi rin tataasan yung garter sa 'ten-twenty' at lalong hindi maghahamon ng kurutan o sabunutan pagka nagkakadayaan na sa laro. eh enjoy silang kalaro eh. tumbang preso, taguan, langit-lupa, boxing, at kung anu-ano pang enjoy na laro. eh si mama na galit na galit talaga, ini-lock ako sa bahai namen ng mga tatlong taon [nakakaputi yon]. palibhasa hindi ko abot yung lock ng pinto namin nung mga araw na yun. pero nung magkaisip na ako, sinubukan ko nang abutin yung lock na yun sa pamamagitan ng pagtungtong sa bangko. eh dati kahit umakyat sa bangko di ko parin abot. nyehehe.
ngayon, ayaw ko nang lumabas ng bahay namin. dati pa lang gusto ko nang maging lalaki..hanggang ngayon naman eh. pero yung mga kalaro kong lalaki dati, hindi na ako pinapansin ngayon. wala ng naglalaro ng tumbang preso, taguan,langit-lupa at boxing. lumipat na rin kami ng bahay. hindi na ako lider ng malditang grupo at hindi na ako bata.
sana..sana..