2.19.2006
-- papel na pera --
anong kaligayahan ba ang napapala ng mga bata sa tuwing pinagtitripan nila ang bente pesos na papel?[o kahit na anong perang papel]
alam kong napagdaanan mo rin toh gaya ko. itutupi ang magkabilang mata ni Quezon [vertically]tas papasimangutin at pasasayahin sha. hay nakoh, high nga ang mga kabataan sa kethamine. akalain mong pinatulan pati ang pangkabayo?
minsan naman, pinahahanap ang banga sa likod ng bente. si dracula naman kung minsan [na matatagpuan sa isa sa mga bintana]. o di kaya ay yung bangka na obvious naman kung nasan. kung sa sampung piso naman, yung pusa ang pinahahanap sa may simbahan.
ano?di ka maka-relate?problema mo yan.
dito naman ako naadik. yung tatanggalin mo yung manipis at mapayat na film sa loob ng perang papel..after nun, sabi nila, peke na ang perang nitanggalan mo nun. saya noh?
"sinabi na nga bat mas makamandag pa sa ahas ang mga kaibigan mo keya wag kang mahuhulog dahil hindi ka nila sasaluhin."---ni Bruno, ang insekto