nagtaka ka ba kahit minsan kung bakit may bangs akong one-sided?
characters:
carl--pinakabatang kapatid ko (5 taon pa lang ata sha nun, hanggang bewang ko palang)
jhoan--ang batang mukhang halaman
setting:
sa kuarto ko, sa lamp shade lang nanggagaling ang liwanag
sitwashon:
wala sina mama at papa, nag-bible study ata
scene:
carl: ate, wag ka muna tulog, natatakot ako eh
jhoan: gegege..ikao ren wag ka matulog
carl: shempre, pano ko matutulog kung natatakot ako?
jhoan: bala ka, pag natulog ka, bubunutin ko yang pilikmata mo at ikakabit ko sa mata ko (dahil mahaba at maganda ang pilikmata ni carl)
carl: sige, pero pag natulog ka, gugupitin ko buhok moh...
jhoan: ge bah.
nakaraan ang ilang segundo, alam mo na siguro nangyare...
pagkagising ko kinaumagahan, uka na ang buhok ko. buti na lang hindi sinagad ng kapatid ko hanggang anet. kundi, mukhang bunot na siguro ang buhok ko.