kitang-kita sa ID pic ko ang epekto ng hangin sa mga nagpapapic.
wala naman talagang kasalanan yung hangin eh. si manong na nagkukuha ng pic ang may kasalanan. kasi ba naman, malamang nakakapagod pumila nung mga araw na yun (confirmation: ako lang ata nagpa-confirm nun..mwahaha). shempre, hindi ko alam na pictyur taking pala. malamang wala akong sandata and/or armas. wala ang magic pulbos ko at ang suklay ng kamatayan para man lang nakapag-ayos ng eternal na ayos. eh kaso, biglaan nga. maikli pa buhok ko nun. at abnormally straight (pano kaya nangyari yun?) kaya nadadala ng hangin. linchak na hangin--sobrang hinangin ang buhok ko. whateburr. pero si manong ang sinisisi ko dahil minadali nea ako noh! tas nakita nang magulo yung buhok ko, hindi man lang sinabe. at hindi pinaulit ang pic.
alam ba nea kung ano ang epekto nun sa buhay ko? HINDE! HINDE! HINDE!
sa tuwing isinusuot ko ang ID ko, kelangan pa talagang nakatalikod sa audience..as in facing the wall (i.e. ID protector) para hindi makagawa ng eskandalo. at isa pa, sa tuwing pupunta ako ng CAVS at LIB, kelangan ko pang siguraduhing meron akong kasunod para hindi magtagal yung mukha ko sa monitor. whateburr.
ang masama pa nito, pag nakikita ng mga tao, napapansin nilang mukha akong tahimik sa pic. which is true. mwahahahahahahaha!