magaleng. salamat sa pagpapakita mo sa akin kanina ha. nadoble tuloy ang blog entry ko ngayong araw na itoh. salamat talaga. sa sobrang pasasalamat ko, tribute ko seo tong entry na toh.
nung umalis ka, hindi kita pinigilan. bakit pa? may alam ka ba? "salamat, ate." yan ang huli kong narinig sayo. manggagamit. hindi sana kita ipagdodrawing pero di naman kita matiis. isa pa, wala ka ngang alam di ba?
habang wala ka, sobrang nahirapan ako. anhirap mong kalimutan. ilang balde na ba ng luha ang naipon ko simula nun? marami. at hindi mo alam yun. wala ka ngang alam di ba?
inalis ka sa buhay ko dahil mas inuna kita kesa sa Diyos. sabi nga ni Juliet, "you are the god of my idolatry." sabi ko sa Diyos dati, tulungan akong wag kang isipin para hindi ka na niya kelangang kunin sa kin. pero mahirap. gaya ng paglimot ko sa yo.
ngayong bumabalik ka na, sana hindi na lang dininig ang mga panalangin ko dati. nakalimutan ko na nga lahat ng dasal na yun di ba? pinilit ko naman. at magaling ako. magaling na magaling. akala ko lang pala yun. hindi ko inisip na kakabahan pa rin ako pagka nakita kita. salamat sa pagpapaluha na naman sa akin. salamat dahil ni hindi mo ako nilapitan, ni hindi mo ako pinansin. salamat dahil may bonus pang babae. salamat sa pagsama mo sa kanya at sa pagpapangalandakang kasama mo siya. salamat dahil sa simbahan mo pa sha dinala. salamat sa pagbabalik. pero sana hindi na lang. akala ko kasi tapos na. pabayaan mo muna akong sumaya. pwede ba?