bad trip. nangingiti pa rin ako nang panakaw. hindi pa rin ako makahuma sa pagkapahiya-kilig-experience ko. may ilang prinsipyo lang akong natutunan:
(1) ang long hair ay bagay lamang sa mga payat. kaya kung mejo overweight ka, wag mo nang balakin. para kang itlog na tinubuan ng buhok. kung kulot ka naman or wavy, naku wag mu na ring pangarapin. try mu na lang ang hairstyle na lumalaganap sa mababang paaralan ng ateneo--afro. grabe my mien, pakapalan ng buhok dito! oo nga naman, kung kulot ka, either magpakalbo ka (para walang ebidensyang kulot ka) or magpalago ka ng buhok (dahil dinidyos mo ang buhok mo). oh yeah? nakakatuwa sila. parang mga pugad na nagkatawang-tao, na naglipana sa mga koridor. iba-ibang lebelan ng kaalsahan, iba-ibang lebelan din ng kakingkihan. wahehehe. i simply lavit! pero mas gusto ko parin ang mga gitaristang long-haired. vavavoom!
(2) kailangan lang ng isang pianistang bata at isang gitaristang long-haired (na magkapatid) para malampasan ko ang limitasyon ng pagiging talipandas. grabeh. nawala ang pagkamanang ko. at nawala ang dignidad ko nang pagtulungan ako ng mga ka-banda kong walang pakisama. minsan try neong magsabi-sabi. mga muktol talaga oh.
(3) kung kinikilig ka pa, wag ka munang kakausap ng ibang tao o mangungulit man lang. makikita sa kilos at lakas ng boses mo na kinikilig ka pa. at nagpapapansin ka. wooshoo. wrong move.
(4) kung kinikilig ka pa, wag ka munang magpapicture sa cam, kahit pa isa ito sa mga vanity urges moh. dahil magmumukha kang naka-ketamin sa pic, sabog na sabog.
(5) pagka tinukso ka, wag kang magtatago sa likod ng drummer neong mataba. at pilitin mong ipitin ang dugo mo sa leeg para imbes na pula ang kulay mo, magiging furfle. lavit! pilitin mu ring magmaang-maangan hanggang sa mamatay ka.
"ayun, talo!"--TIDE with Eraserbar commercial