okay. sa ika-1000000000000000000ng pagkakataon, nagsa-palaka na naman ako. oo, transformation galore na naman itu. sumagi na rin sa isip ko kagabi kung anu na lang ang magiging ichura ko ngayong araw na toh pagka nipagpatuloy ko pa ang ginagawa ko. kaya kahit ayaw ko, kinailangan kong singhutin ulit yung sipon at i-absorb ang luha ko, para maging parteng muli ng sarili ko. wohoy, andrama.
pero tutoo, wala ako sa mood maggitara kagabi, tigalgal ako sa pinakaunang pagkakataon. parang dapat kasi, kamuhian ko na yung gitara pero...hindi eh. dapat maging mas magaling pa ako. mas magaling pa kesa sa kanya.yung tipong pagka tumugtog ako, mapapanganga na lang sha. whatever! after several million years pa ata bagu mangyare yun.
goal oriented na ako ngayon.
at kagabi, may ginawa akong summary ng mga dapat ma-accomplish within this year or next (next year? hehe tinatamad pa kasi akong simulan eh)
*ituloy na ang low-carb diet dahil nagbabadyang muli ang mga bilbil na inakala kong nabaon na sa kasaysayan. bawal kumain ng kanin pagka lunch at dinner.
*pagka breakfast, mga tatlong kutchara lang. isang paso ng kandila ng katapat pagka lumabag dito. haha as if naman ayaw kong mapaso ng kandila. eh nung isang araw lang na brown out samin eh pinaso ko ng luha ng kandila yung binti ko eh. at napaligaya ako ng pagkapaso :( at least
*pagpursigihang mag-ipon ng pera para ipaayos ang nagtatransform na sa alambreng buhok dahil sa stress. dahil hindi naman ako bibigyan ng pera ng nanay ko para sa mga ganitong bagay. posible naman eh, kung hindi nga ako kakain ng mashado, edi may pera ang lola.
*pagpursigihang maging magaling sa paggigitara. hindi dahil papansin ako. kundi dahil gusto ko na yata mag-iba ng career.
*bawal nang mag-make up. lalu na kung regular class day. bawal na rin kahit sunday. panatilihing banat ang mukha hanggang sa pagtanda.
*maagang umuwi lalu na pagka thursday. wag nang tumambay para may silbi ka sa mundo.
*laging makikinig sa magulang mo, kahit may iba kang gusto para sa sarili mo.
*huwag magrebelde pagka dinidisiplina.
*hindi na magkacram.
*hindi na iinom ng kape nang dalawang beses sa loob ng limang oras. para maiwasan ang pagkasabog at hirap ng pagtulog. ewan ba kung bumitaw ako sa katinuan nun pero i swear, mga three-dimensional objects lang ang nakikita nung nakapikit ako. nasobrahan nga ako sa stimulant kaya kahit bagsak na yung katawan ko, yung mga neurons ko, excited parin. kaya yun, kung anu-ano nakikita ko. yung nasa media player--yung makukulay at gumagalaw na bagay. anu yun? woi anu nga yun? haha. ignorante, boy. hulaan mu na lang di ku rin alam tawag eh. tapos, haha, nakakita ako ng higanteng egg cell na kulay puti tapos pinipilit shang iinvade ng napakaraming sperm cell. haha talaga. pero alam ko pa na hindi yung produkto ng pagkontrol ko sa isip ko dahil nabibigla rin naman ako sa mga nakikita ko eh. durog. sabog. basnog. lahat na.
*huwag nang piliting sirain ang boses dahil wala ang ibang tao nean.
*kung umaambon lang naman talaga, huwag sabihing umuulan.
*huwag ipapaalam kahit kanino kung sino ang crush mo. panu na lang ang mangyayari sayo kung isa sa mga sinabihan mo eh yung gusto ng crush mo? haha
*huwag sayangin ang oras sa mga hindi naman kailangang bagay para makapasa ka sa theology long test gaya ng paggawa ng blog entry habang nagkacram ka.
*huwag nang mag-aksaya ng panahong mag-edit ng blog entry.
nakakairita yung dalawang kuting kanina sa may hagdan(stairway na 90+ steps to hell este ateneo). yung isa, may spots na yellow. yung isa, spots na itim. at salamat. magkayakap sila. bahala ka nang mag-imagine kung pano magyakapan ang mga pusa. okay, konting briefing:

mejo parang ganito pero mas sweet kesa rito, kasi magkapatid toh noh!
pero ipupusta ko ang lahat sa akin, alam kong magshota silang dalawa. talaga yun oh, ke-bata bata pa, mga halipandot na. ayaw nila kong gayahin. tahimik lang. oo tahimik lang nga kaya hindi mapansin. tahimik...
tahimik na nagdurugo.
ROCK U!na nga pala mamaya sa the dish. tamang-tama. may dahilan para hindi magmukhang palaka.