okay. napaligaya ako ng debut ni iris.
OJ's grill, nung sabado.
attire: semi-formal. required na naka-dress.
uhm, salamat kina patricia at cathy (na parekong nagpakulot) na kasabay kong pumunta sa eastwood. kasi ang plano nila, dun na mismo sila magbibihis ng dress.
pero naka-dress na ako kasi sooobrang hassle kung may bibitbitin pa ako noh.
at salamat, pagdating dun, hindi sila nagpalit. naka-jeans lang sila buong gabi.
iwanan sa ere?
anyway, naka-dress naman si iris.
so, parang nagpatalbugan kami? parang papansin lang ako kasi hindi naman ako ang nagdebut noh.
pero di bale parin kasi, at least hindi bongga yung suot ko. at least, hindi pansagala na OA kung OA. pansagala. thanks to my sfonzor, bea marie david dahil kinumpleto nea ang get up ko.
si iris, yes, dalaga na. mukhang pink na pixie.
ewan kung naging masaya sha.
bukod sa may mga epal sa third floor na hindi naman kasama sa party,
bukod sa nasa second floor yung mga pagkain,
bukod sa mongolian buffet ito at mejo nag-eksperimento lang kami sa mga ingredients ng sari-sarili naming pagkain,
at chambahan lang ang masarap na output,
bukod sa hindi naki-participate and lahat sa mga dare sa loob ng cupcakes,
bukod sa pakipot ang mga magpeperform (kasama aku run)
at ayaw kumanta ng anti-social neang pinsan (na hotness).
ewan ku,
natuwa kaya sha?
naki-jamming naman ako sa banda in the end.
at balita ko, kumanta rin yung pinsan neang pipi yata.
binebenta nga pala ni iris yung dalawang pinsan nea.
Php 100.00 para kay Paul--mejo outgoing kasi chaka nakikisama talaga kahit nun lang nakilala
Php 500.00 naman para kay Zerk/Xerk (whatever!)--hotness kasi eh pero tahimik. sabi nga ni iris, "kailangan mo pang ligawan." haha, as if naman.
at ang papampam na taparita, ni hindi man lang kinausap ng matino. parang na-drain lahat ng lakas ng loob ko. akalain mong katabi ko naman po kasi. at ang tanging matinong nasasabi ko lang ay:
"ikaw na kasi mauna. (pacute)"
"sige na mauna ka na, magaling ka naman eh. (pacute)"
"uhm, sige pag nauna ka, susunod talaga ako. kailangan lang may mauna sa akin para di ako kabahan. (pacute)"
"andaya mo. (pacute)"
--nagtuturuan kasi kami kung sino ang mauuna sa aming magperform. artista?
pede na ba yun? kasi ang ibang salita na gusto ko pang sabihin, nilunod ko na lang sa pagkalango ko sa...
water with ice.
haha, hindi neo ko mapapainom kahit anu pang insulto gawin neo sa pagkatao ko noh! yosi pa kaya!
grabe, para akong alien.
nag-overnight pako kena meghann. kasi malamang hindi na ako masusundo ng magulang ko ng dis-oras ng gabi. kaya musta naman ang ichura ko kinabukasan?
woi ice, upload mu na yung pics ha!