ang perfect soooooper power combination ng isang hell week ay nakamit na ng linggong ito.
MONDAY--kailangang mag-cut ng PE105 para mag-withdraw ng allowance sa Equitable PCI bank, na dinagsa ng maraming scholar. kahit na kinabukasan eh long exam sa eco, sumugod parin ako sa pinakamalapit na mall para bumili ng kwintas. habang nag-aaral ako for eco, akalain mo ba namang nag-brown out. kinailangan ko pang palibutan ang sarili ko ng kandila para makapag-aral ng maayos. dyosa.
TUESDAY--kailangan nang magsimulang humanap ng mga gagamiting sounds for KJ play. pero bukod dun, ECO long test muna. kailangang umuwi ng maaga para mag-aral para sa psych long tezt kinabukasan. ibinalik na nga pala yung midterms, at naiyak ako.
WEDNESDAY--psych long test. uhm, ilang pages nga yung babasahin? 100000000000000000000000000? ayos. mag-aral na dapat para sa long test sa theo on thursday. hindi ko inakalang parang major subject ang theo. kulang na lang gawing 9 units toh. band practice.
THURSDAY--theo long exam muntik pang nahaluan ng calculus long exam--buti na lang may awa si miss tutulugin. eco quiz. guidance interview. band practice sa hapon.
FRIDAY--deadline ng sounds. ocular inspection ng CTC 102.
SATURDAY--KJ play general rehearsal, whole day.
SUNDAY--alam ko may gagawin ako eh, nakalimutan ko lang..hmm..alam ko talaga meron eh..
"at least hindi ka nalubog sa burak. ni hindi mo naranasang lamunin nito ang doll shoes mo. sino ang mas kawawa? ikaw na nga si neo, nagrereklamo ka pa sa pagod? anung sinabi nean sa paa at burak? ano? ano?" *iyak, iyak*
--tapar habang nagfifilm ng promotional video para sa retreat