12.15.2006
-- salamat po LORD,friday na --
oh well, i am back to the blogging (bumming) world.
malapit nang mag-Christmas break.
thank you Jesus at ang bansa ko ay isang Kristyanong (?) bayan, gaya ng kine-claim ng marami.
o kung hindi man, at least may effort magpanggap na Kristyano ang karamihan kaya mayroong Christmas break. salamat sa effort nila, napagpapahinga ang mga estudyanteng katatapos lang ng history presentation, na tipong hinigop ang natitira pang lakas.
[may kung anong himig ba ang statement na yun?]
haynako, kailangang talaga na paulit-ulit sabihin sa sarili mo na ang lahat ng ginagawa mo ay hindi dahil para magpa-good shot kaninuman o dahil gusto mo ng mataas na grades o dahil ayaw mong masabi mo sa sarili mong "gosh, i am a failure"--kundi dahil gusto mong i-glorify si God, wala nang iba pa. hindi ka mapapagod, hindi ka mafufrustrate--kahit ano pa ang kalabasan. at susubukin ka talaga niya. parang gintong dinadarang.
malaman mo ba namang ang mga ka-grupo mo ay nagliwaliw isang araw bago ang presentation ninyo habang :
*noon ding araw na iyon, patakbu-takbo at pabalik-balik kayo ng kasama mo para lang makahanap ng bola
*magawan ng paraang makuhaan ito na parang lumilipad sa ere
*tumakbo papuntang caf para lamang bumili ng scotch tape dahil pawala na ang araw sa football field at malapit na sa imposible ang makakuha ng maayos na litratong ilalagay sa commercial na ginagawa ninyo
*babarin ang mata sa photoshop sa paggawa ng tarp
*magpakahirap gumawa ng isa-isang sticker na logo
*magpuyat ng ilang araw para gawin ang commercial at testimonials
*bumili ng dry ice na tatlong kilo (?)
*magbitbit ng sangkatutak na gamit para sa presentation
*mag-cancel ng activities na dati nang naka-schedule
*gumawa ng bote na maliliit ang detalye ng design na kailangang pare-pareho (tatlong bote nga pala itu, at manu-mano ito dahil wala naman kaming factory di ba)
malaman mo ba naman ilang minuto bago ang presentation ninyo...
at tinanong ka pa kung bakit hindi ka sumama...
ano ang isasagot mo?
magpupuyos ka ba sa galit at biglang sasabog?
o tatahimik na lang na parang walang nangyari?
magagalit ka ba sa kaibuturan ng spinal cord mo?
o magpapatawad?
ganito ang mga struggle ng mga Kristyano:
ang magpaka-Kristyano
madali lang no?
parang ordinary day lang no?
tama, ordinary day lang naman kapag nalaman mong alak ang tinutungga nila habang maalat na pawis ang sa inyo.
at walang ka-effort effort ang magpatawad.
"Bear with each other and forgive whatever grievances you may have against one another. Forgive as the Lord forgave you" (Col 3:13)