1.08.2007
-- tanggalin ko muna iha --
ayan, may sinisimulan nang ilayo si LORD sakin.
nangyari na itu dati eh.
nangyayari ulit..
haha, hindi na natuto ang bruha.
pero ibang klase ang comfort ni God. tipong nasa putikan ka na, tutulungan ka niyang makahuma at hugasan ang sarili.
ibang klase.
kung puede ko lang isigaw sa buong mundo na buhay ang Diyos ko.
(para naman may silbi ang megaphone ko sa lalamunan)
okay lang.
okay lang talaga.
okay lang talaga noh.
:) buti na lang matalino si LORD.
1.04.2007
-- HOY! new year na --
darna na walang reaksyon
anghel at demonyo? HAPPY NEW YEAR!
the best way to start the new year:
*mag-BOGA bonding with your tatlong kapatid na maingay pa sa kahit na anung paputok
*pumunta sa mga party na puro kainan at manginain ng marami simula pasko hanggang pagkatapos ng january 3.
*mag-internet only to find out na down ang mga server maliban sa bayantel at digitel
*hindi makakonekta sa yahoo!photos gayung kailangan mong mag-upload at mag-edit
*maiwanan ang favorite tumbler mo sa audiophile
*maiwanan ang ID mo sa unang araw ng klase. kaya't kinakailangan mong magtago sa mga malalagong puno ng ateneo para hindi ka mahuli ng gwardya pero...
*naiwan mo rin ang salamin mo at mas produktibo pa ang mga bulag kesa sa iyo. hindi ka na makakilala ng tao, hindi mo pa makita ang mga gwardyang tataguan mo.
*magising nang maaga pero gininaw ka at natulog muli. ayun, talo. late ka sa unang araw ng klase para sa taong ito. magaling, magaling.
*asarin ang ka-D12 mo na pakilig-kilig pa
*naiwan mo na naman ang salamin mo sa ikalawang araw ng klase.
*lumibot sa kunsaan mang internet shop sa pagbabakasakaling hindi na ga-pagong ang net
*magkipagpichuran kay kaibigan nang mga pose na tulad ng nasa itaas
*magvideoke kahit anung oras mula pasko hanggang january1
*makipagjoke time with your tatlong kapatid, kaibigan, mother goose and father goose